Mahigit 22 milyong balota para sa halalan sa Mayo, naimprenta na ng National Printing Office
Pumalo na sa mahigit 22 milyong mga balota ang naimprenta na ng National Printing Office o NPO.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon, kaninang 8:00 ng umaga, Marso 9, aabot na sa kabuuang 22,839,593 ang mga balotang naimprenta.
Ito umano ay katumbas ng 40.97 percent ng mahigit 55 milyong balota na kakailanganin sa May 9 national elections.
Ang mga na-verify na balota o dumaan sa vote counting machine (VCM) ay aabot naman sa 12,603,451.
Sinabi pa ni Guanzon na posibleng ang pag-iimprenta sa mga balota ay matapos sa unang linggo ng Abril, habang ang verification naman ay maaaring matapos sa pagitan ng April 20 hanggang 25.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.