Inihirit na P724-M budget ng opisina ni VP Robredo, ibinalik ng mga senador
Matapos tapyasan ng Department of Budget and Management (DBM) ang inihirit na P724-million 2021 budget ng Office of the Vice President, ibinalik ng mga senador ang ibinawas na halaga.
Sa pagharap ni Robredo, ipinaliwanag nito ang mga nagawa ng kanyang opisina sa pamamagitan ng kanilang Angat Buhay Program sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan sa gitna ng COVID-19 crisis.
Matatandaan na humingi ang OVP ng P724 milyon para sa kanilang pondo sa susunod na taon ngunit ibinaba ito ng DBM sa P679 milyon.
Paliwanag ni Robredo malaking bahagi ng natapyas na halaga ay para sa pagbili ng mga sasakyan na kanilang gagamitin sa relief operations at research gayundin sa ibat-ibang maintenance and other operating expenses (MOOEs).
Sa pangunguna ni Minority Leader Frank Drilon, nagkaisa ang mga senador na ibalik ang inalis na budget ng opisina ni Robredo.
Sumuporta sina Sens. Nancy Binay, Ramon Revilla Jr., at Lito Lapid, samantalang pinasalamatan naman ni Sen. Francis Pangilinan ang mga kapwa senador sa kanilang pagsang-ayon sa pangangailangan ng pondo ng OVP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.