Bago pa man ipatupad ang appointment ban, itinalaga ng Pangulong Benigno Aquino III ang labing isang (11) bagong Regional Trial Court judges sa National Capital Region.
Base sa natanggap na transmittal letter ng Korte Suprema, kabilang sa mga na-appoint si Judge Rosalia Hipolito Bunagan para sa Caloocan City RTC-232.
Sa Malabon City, naitalaga naman sina Judge Rhoda Magdalene Mapile-Osinada sa RTC-289, Judge Rosario Ines-PinZon sa RTC-290, at Judge Maria Antonia Largoza-Cantero sa RTC 291.
Lima naman ang naitalaga sa Mandaluyong City RTC na kinabibilangan nina Judge Anthony Fama ng branch 277, Judge Jaime Fortunato Caringal sa Branch 278, Judge Juliet Manalo-San Gaspaz sa Branch 279, Judge Restituto Mangalindan Jr. ng Branch 280, at si Judge Ermin Ernest Louie Miguel sa Branch 281.
Bagong hukom naman sa Quezon City si Judge Juris Callanta sa branch 85 habang sa Valenzuela City RTC branch 285 naman ay si Judge Orven Kuan Ontalan.
May petsang March 7 ang appointment ng mga hukom o dalawang araw bago ang appointment ban dahil sa halalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.