Kasunduan na mauupo si Marinduque Rep. Velasco sa October 14, pinanindigan ng kanyang kampo

By Erwin Aguilon September 30, 2020 - 03:21 PM

Nanindigan ang kampo ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na mauupo na ito bilang House Speaker sa October 14.

Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon, isa sa kongressita na kaalyado ni Velasco na present sa pulong, Martes ng gabi (September 29), sa Malakanyang na nagkasundo sina House Speaker Alan Peter Cayetano at Velasco sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte na igagalang ang term-sharing agreement.

Ang October 14 aniya ang napagkasunduang petsa ng dalawa matapos na humirit si Cayetano na Speaker pa rin siya hanggang sa kanyang kaarawan sa October 28 habang si Velasco naman ay umapela dahil November 9 naman ang kanyang kaarawan.

Si Pangulong Duterte aniya ang testigo sa kasunduang ito.

Pinasisinungalingan ng mambabatas ang mga naunang pahayag ni Deputy Speaker LRay Villafuerte na walang kasunduan na magbabago na ng House leadership.

Sa pahayag ni Villafuerte, sinabi nito na hindi magma-materialize ang pag-upo ni Velasco bilang Speaker dahil nakadepende ang desisyong ito sa mga kongresista kung saan mayorya ay pabor na panatilihin sa pwesto si Cayetano.

Dismayado din si Leachon dahil sa harap mismo ni Pangulong Duterte ay tahasang ininsulto ng kampo ni Cayetano si Velasco.

Sinabi pa ni Leachon na mismong ang Pangulo pa ang pumigil sa mga pag-atake ng kampo ni Cayetano dahil lahat naman na ay napagbigyang magsalita.

TAGS: 15-21 term sharing agreement, 18th congress, Alan Peter Cayetano, budget impasse, house leadership, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Doy Leachon, Rep. Lord Allan Velasco, 15-21 term sharing agreement, 18th congress, Alan Peter Cayetano, budget impasse, house leadership, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Doy Leachon, Rep. Lord Allan Velasco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.