Jose Abad Santos, Davao Occidental nilindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang Davao Occidental, Miyerkules ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 81 kilometers Southeast ng Jose Abad Santos.

Naramdaman ang pagyanig sa naturang bayan dakong 2:55 ng hapon.

Isang kilometro ang lalim nito at tectonic ang origin.

Gayunman, hindi nagdulot ng pinsala ang pagyanig sa naturang bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks, ayon sa Phivolcs.

Read more...