Pagtanggal sa curfew, pinag-aaralan ng Metro Manila mayors

By Chona Yu September 30, 2020 - 02:14 PM

Pinag-aaralan na ng Metro Manila mayors ang pagtanggal sa curfew.

Umiiral ang curfew sa Metro Manila mula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga para malimitahan ang galaw ng tao at makaiwas sa COVID-19.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na tumatayong chairman ng Metro Manila Council na nasa agenda na nila sa pagpupulong sa susunod na linggo ang pagtanggal sa curfew.

Pero sa ngayon, iiral muna ang curfew maliban na lamang sa mga nasa food delivery services na pinapapayagang makabiyahe ng 24 oras.

“Iyon pong ating curfew ay pinag-aaralan yan na magpatanggal po iyong curfew. Sa susunod po na meeting namin, yan po ang isa aming main agenda para mabuksan na po yung economy natin,” pahayag ni Oliverez.

Sa ngayon, nasa general community quarantine (GCQ) pa ang Metro Manila kasama na ang Batangas, Tacloban City, Bacolod City, Iligan City, at Iloilo City hanggang sa katapusan ng Oktubre.

TAGS: COVID-19 response, Inquirer News, Mayor Edwin Olivarez, Metro Manila mayors, pagtanggal sa curfew, Radyo Inquirer news, restrictions during pandemic, COVID-19 response, Inquirer News, Mayor Edwin Olivarez, Metro Manila mayors, pagtanggal sa curfew, Radyo Inquirer news, restrictions during pandemic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.