Ilang lalawigan sa Luzon, patuloy na uulanin

Asahang makararanas pa rin ng pag-ulan ang ilang lugar sa Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 1:52 ng hapon, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Pampanga, Cavite, Laguna, Rizal at Quezon.

Maaapektuhan din ang Zambales partikular sa Botolan, Iba, Candelaria, Masinloc, Palauig at San Marcelino.

Uulanin din ang Calaca, Balayan at Laurel sa Batangas; San Jose, Tarlac.

Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...