PCSO Director Sandra Cam naghain ng counter-affidavit sa DOJ; murder charges itinanggi
Itinanggi ni PCSO Director Sandra Cam na sya ang mastermind sa pagpatay kay Batuan Masbate Vice Mayor Charlie Yuson noong Oktubre 2019, malinaw umano na pulitika ang nasa likod ng pag-uugnay sa kanya at sa kanyang anak na si Marco Cam sa nasabing krimen.
Sa 25 pahinang counter affidavit na isinumite ni Cam sa Department of Justice(DoJ) ay inisa isa nitong pinabulaanan ang bintang laban sa kanya ng biyuda ni Yuson na si Lalaine Yuson na may motibo sya para patayin ang Bise Alkalde matapos na rin matalo sa mayoral election noong 2016 ang anak na si Marco.
Giit ni Cam na tanggap nila ang kanilang pagkatalo, sa katunayan, wala naman planong pumasok sa pulitika ang kanyang anak subalit nagdesisyon na kumandidato bunsod na rin ng suporta at paghihimok sa kanya ng mga residente upang magkaroon ng pagbabago sa lalawigan.
Sinabi ni Atty. Bodie Miranda, legal counsel ni Cam na walang matibay na ebidensya sa kaso, tanging ang affidavit ng isang Amelita Abiola na dating cashier employee ni Cam sa kanyang resort sa Masbate na sinibak dahil sa nahuling nagnanakaw ang syang ebidensyang pinanghahawakan ng pamilya Yuson.
Sa affidavit ni Abiola, na supporter ng pamilya Yuson, sinabi nito na narinig nya si Cam sa isang pulong sa kasama ang mga supporters nito noong September 8 at 9, 2018 na nagsabing “ Gagawa ako ng paraan para madisqualify ang mag-ama at patayin ang mag -ama kasama si Charlie Yuson para humina ang partido ng Yuson”, sa nasabing pulong ay inatasan din umano ni Cam ang isang Nelson Cambaya na humanap ng gunman para patayin si Charlie Yudon.
Sinabi ni Cam na walang ganoong pulong na naganap at sa petsa na sinasabi ni Abiola ay wala ito sa Masbate kundi nasa Cavite ito at binisita ang kanyang pag-aaring vocational school na Nazareth Institute of Alfonso.
Nagsumite ng sertipikasyon si Cam na magpapatunay na halos sa buong buwan ng Setyembre ay nanatili ito sa kanyang condominium unit sa Maynila kaya malabo ang akusasyon laban sa kanya na sa nasabing buwan plinano ang pagpatay sa biktime.
“there is no evidence linking me to the killing of Vice Mayor Charlie and the wounding of his companions. The accusations against me are solely based on the contrived, incredulous, absurd, self serving and unsubstantiated statements which deserve ni credence”pahayag ni Cam.
Itinaggi din ni Cam na kilala nya sina Bradford Solis Fuerte, Juanito de Luna Bustamante, Rigor dela Cruz at Junel Gomez Reyes, ang apat ay ang nahuling suspek sa pamamaril kay Yuson noong October 9, 2019, makalipas ang 3 araw ay pinalaya din ang mga ito ng piskalya dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.
Nanindigan pa si Cam na hindi rin napatunayan na may conspiracy sya sa pagitan ng mga nahuling suspects.
Umalma din ito sa akusasyon ng pamilya Yuson na sya ang nasa likod ng isinagawang raid sa kanilang resort noong Pebrero 2019 kung saan ilang matatas na kalibre ng baril at granada ang nakumpiska ng PNP-CIDG mula sa mag-amang Charlie at Charmax Yuson.
“it is apparent that my name is merely forcefully linked to the present crimes although I have nothing to do with them whatsoever. It is suspiciously and conveniently presented in a certain manner so that I would be associated to and implicated in the killing of Vice Mayor Charlie as the supposed mastermind”nakasaad pa sa affidavit.
Nanindigan si Cam na walang pobable cause para iugnay at kasuhan sya sa pagpatay sa biktima.
“with the doubtful and severely lacking pieces of evidence as to my participation in the crimes I am accused of, there is no probable cause to sustain the charges against me. There being no probable cause the complaint against me must be dismissed” pagtatapos pa ni Cam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.