Kasunod ito ng pasya ng SC na payagan si Poe na tumakbo sa 2016 elections nang ibasura nito ang disqualification case laban dito.
Sa panayam kay pangulo sa Batangas, sinabi nito na hindi niya pa nababasa ang desisyon ng SC pero may mga tanong sa kaso ni Poe na sana ay maipaliwanag nang todo ng mga mahistrado sa taongbayan.
Ayon kay pangulo, bagama’t iginagalang niya ang independence ng mga mahistrado, isa sa gusto nito na ma-klaro ng mga miyembro ng SC ay ang kuwestiyon sa citizenship ni Poe.
Natuklasan kasi ni pangulo, na nang tanggapin ni Poe noong 2011 ang alok niyang posisyon na maging chairman ng Movie Television Review and Classification Board o MTRCB ay kinailangan pa nito na kausapin ang isang consul sa Estados Unidos para i-renounce ang kanyang US citizenship.
Dahil dito, nagtaka aniya siya dahil tinanggap na ni Poe ang posisyon sa MTRCB kaya ang akala niya ay matagal na nitong na re-accuire ang kanyang filipino citizenship.