Korte Suprema, gawing kumpleto ang paliwanag sa pagbasura sa disqualification case laban kay Sen. Grace Poe
Hinamon ni Pangulong Noynoy Aquino ang Supreme Court na ipaliwanag ang lahat ng isyu sa disqualification case laban kay Senadora Grace Poe sa May 2016 elections.
Kasunod ito ng pasya ng SC na payagan si Poe na tumakbo sa 2016 elections nang ibasura nito ang disqualification case laban dito.
Sa panayam kay pangulo sa Batangas, sinabi nito na hindi niya pa nababasa ang desisyon ng SC pero may mga tanong sa kaso ni Poe na sana ay maipaliwanag nang todo ng mga mahistrado sa taongbayan.
Ayon kay pangulo, bagama’t iginagalang niya ang independence ng mga mahistrado, isa sa gusto nito na ma-klaro ng mga miyembro ng SC ay ang kuwestiyon sa citizenship ni Poe.
Natuklasan kasi ni pangulo, na nang tanggapin ni Poe noong 2011 ang alok niyang posisyon na maging chairman ng Movie Television Review and Classification Board o MTRCB ay kinailangan pa nito na kausapin ang isang consul sa Estados Unidos para i-renounce ang kanyang US citizenship.
Dahil dito, nagtaka aniya siya dahil tinanggap na ni Poe ang posisyon sa MTRCB kaya ang akala niya ay matagal na nitong na re-accuire ang kanyang filipino citizenship.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.