Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kapag hindi ito nagawa ni Gierran, maari nang ituloy ni Pangulong Duterte na buwagin ang PhilHealth.
Una rito, hiniling ng Pangulo sa Kongreso na buwagin ang PhilHealth dahil sa talamak na korapsyon.
Ayon kay Roque, hindi madali ang pagbuwag sa Philhealth dahil kailangan ikunsidera ang nga empleyado na may civil service eligibility.
Ayon kay Roque, bago pa man siya naging tagapagsalita ni Pangulong Duterte, isinulong na niya sa Kongreso na buwagin ang PhilHealth sa ilalim ng Universal Health Care Act at palitan ng National Health Service.
Wala naman aniyang dapat na ikabahala ang publiko dahil tuloy pa rin ang liibreng medical services at ililipat lamang ang pondo sa itatatag na ahensya kapalit ng PhilHealth.