PhilHealth bubuwagin kung hindi mawawalis ang korapsyon hanggang sa Disyembre 2020
Binibigyan ng palugit ni Pangulong Rodrigo Duterte si PhilHealth President Dante Geirran na walisin ang korapsyon sa kanyang tanggapan hanggang sa Disyembre ngayong taon.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kapag hindi ito nagawa ni Gierran, maari nang ituloy ni Pangulong Duterte na buwagin ang PhilHealth.
Una rito, hiniling ng Pangulo sa Kongreso na buwagin ang PhilHealth dahil sa talamak na korapsyon.
Ayon kay Roque, hindi madali ang pagbuwag sa Philhealth dahil kailangan ikunsidera ang nga empleyado na may civil service eligibility.
Ayon kay Roque, bago pa man siya naging tagapagsalita ni Pangulong Duterte, isinulong na niya sa Kongreso na buwagin ang PhilHealth sa ilalim ng Universal Health Care Act at palitan ng National Health Service.
Wala naman aniyang dapat na ikabahala ang publiko dahil tuloy pa rin ang liibreng medical services at ililipat lamang ang pondo sa itatatag na ahensya kapalit ng PhilHealth.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.