Pagbubukas ng mga internet cafe bahala nang magpasya ang mga mayor
Ipinauubaya na ng Palasyo bg Malakanyang sa mga mayor ang pagpapasya kung papayagan nang magbukas ang operasyon ng mga internet cafe.
Ito ay para magamit bilang online learning facility ng mga estudyante sa pagbubukas ng klase sa October 5.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi kasi maikakaila na karaniwang ginagamit ang mga internet cafe sa gaming at social media.
Maliit din ang espasyo ng mga internet cafe kung saan nagsisiksikan ang mga customer.
Tiyak na ikukunsidera ito ng mayor bago magpasya kung papayagang magbukas o hindi ang mga internet cafe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.