Pagtatayo ng E-learning Centers sa bansa iginiit ni Rep. Ong

By Dona Dominguez-Cargullo September 30, 2020 - 11:45 AM

Kuha ni Richard Garcia

Kasunod ng pagbubukas ng klase sa Lunes, October 5, pinagtatayo ni Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong ang Department of Education (DEPED) ng mas maraming E-learning centers sa buong bansa.

Ayon kay Ong, kahit pa naipagpaliban noong Agosto ang pasukan, hindi pa rin aniya “fully equipped” ang ahensya para magsagawa ng blended learning at makapagbigay ng de kalidad na edukasyon para sa lahat.

Ang mga E-Skwela hubs aniya ang tugon sa kakulangan ng gadgets at kawalan ng internet access sa maraming mga lugar sa bansa.

Inirekomenda ng kongresista sa ahensya na maaari nitong kopyahin ang kanilang inilunsad na proyekto na E-Skwela hubs kung saan maaaring i-tap ang mga pribadong sektor at mga local government units (LGUs) para makapagtatatag ng e-learning centers lalong lalo na sa mga malalayong barangays.

Sinabi ng mambabatas na kung nais ng DepEd na makapagbigay ng de kalidad a edukasyon sa gitna ng pandemya ay nangangailangan ang bansa ng isang e-learning center sa bawat barangay.

Iginiit pa ng kongresista na sa kabila ng mga panawagan na gawing “gap year” o ipagpaliban muna ang pasukan ngayong taon dahil sa COVID-19 ay ipinilit pa rin ng ahensya ang pasukan kaya dapat na gawin ng DepEd ang lahat ng makakaya upang maibigay sa mga estudyante at mga guro ang kinakailangan na free access sa computers at internet.

Nakapagtayo n sa ngayon si Ong ng siyam na e-learning centers sa Baguio, Manila, Pasig, Danao at Tuburan sa Cebu, at sa apat na munisipalidad ng Poro, Pilar, Tudela, at San Francisco sa Camotes Islands.

Excerpt: Ang mga E-Skwela hubs ayon kay Ong ang tugon sa kakulangan ng gadgets at kawalan ng internet access sa maraming mga lugar sa bansa.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, E Learning center, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Rep. Ronie Ong, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, E Learning center, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Rep. Ronie Ong, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.