Bilhin muna ang mga lokal na bigas, bago mag-import – Sen. Kiko Pangilinan

By Jan Escosio September 30, 2020 - 11:32 AM

Ngayon bagsak sa pinakambabang P12 kada kilo ang palay, hiniling ni Senator Francis Pangilinan sa gobyerno na bilihin ang mga lokal na uri.

Sinabi pa ni Pangilinan na kailangan din higpitan ang pag-aangkat ng bigas dahil panahon naman na ng tag-ani sa bansa at aniya dapat ay masugpo na rin ang technical smuggling.

Nangangamba ang senador na papatayin ng rice smuggling ang kabuhayan ng mga magsasaka at lubos na maaapektuhan ang sambayanan kapag tumigil na sa pagtatanim ang mga magsasaka dahil aniya 80 porsiyento ng suplay ng bigas sa bansa ay tanim dito sa bansa.

Hinihikayat din ni Pangilinan ang gobyerno, gayundin ang congressional oversight committee sa Rice Tariffication Law na pag-usapan at alamin kung ang pagbagsak ng presyo ng palay ay epekto ng batas.

Una nang hiniling ng ilang mambabatas na pag-aralan ang batas dahil sa epekto nito sa mga magsasaka.

Aniya maaring limitahan muna ang importasyon kung may sapat naman na suplay ng bigas lalo na tuwing panahon ng anihan.

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, palay, price of palay, Radyo Inquirer, Senator Kiko Pangilinan, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, News in the Philippines, palay, price of palay, Radyo Inquirer, Senator Kiko Pangilinan, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.