Dagdag na 31,359 pang umuwing Pinoy nag-negatibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo September 30, 2020 - 10:06 AM

Simula noong Sept. 1 hanggang ngayong araw Sept. 30 mayroong karagdagan na mahigit 31,000 na mga umuwing Pinoy ang nag-negatibo sa COVID-19.

Base sa datos na nakuha ng Radyo INQUIRER mula sa Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, nakapagtala ng karagdagang 31,359 na umuwing OFWs at non-OFWs ang nag-negatibo sa isinagawang RT-PCR tests.

Maaring makita ang listahan ng mga dagdag na nag-negatibong Pinoy sa link na https://drive.google.com/file/d/131q60F3rEnqfb8Z0pmJW2TWQu-gzrdEW/view

Ang master list naman ng mga nag-negatibong umuwing Pinoy ay maaring ma-access sa link na https://bit.ly/309ZvJV

Ang mga nasa listahan ay maari nang makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa kanilang quarantine facility para maiproseso ang kanilang pag-uwi sa mga lalawigan.

 

 

TAGS: PCG, returning OFWs, swab test, PCG, returning OFWs, swab test

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.