Global cases ng COVID-19 mahigit 33.8 million na
Umabot na sa mahigit 33.8 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Miyerkules (Sept. 30) ay 33,832,711 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 287,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 44,200 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 80,500 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Ang Brazil ay nakapagtala ng dagdag na 31,900 na mga kaso.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 7,406,146
India – 6,223,519
Brazil – 4,780,317
Russia – 1,167,805
Colombia – 824,042
Peru – 811,768
Spain – 758,172
Argentina – 736,609
Mexico – 733,717
South Africa – 672,572
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.