Disney magbabawas ng 28,000 empleyado dahil sa epekto ng pandemic ng COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo September 30, 2020 - 07:55 AM

Magbabawas ng 28,000 empleyado sa US ang Walt Disney.

Ito ay dahil sa epekto ng pandemic ng COVID-19.

Sa inilabas na pahayag ng pamunuan ng Walt Disney, karamihan sa mga maaalis na empleyado ay pawang part-time workers. .

Noong kasagsagan ng pandemic, nagsara ang mga parke ng Disney sa iba’t ibang panig ng mundo.

Bagaman may mga nakapagbukas na, limitado pa rin ang bilang ng mga nakapapasok sa parks dahil sa pagpapairal ng physical distancing.

Sinabi ni Josh D’ Amaro, chairman ng parks unit ng Disney, napakahirap na desisyon ito para sa kanila subalit kailangan itong gawin bunsod ng naging epekto ng pandemya sa kumpanya.

 

 

 

TAGS: COVID, Disney, Inquirer News, mass lay off, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID, Disney, Inquirer News, mass lay off, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.