India nakapagtala ng mahigit 80,000 kaso ng COVID-19 sa magdamag

Umabot na sa mahigit 6.2 million ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa India.

Sa magdamag, mahigit 80,500 pa ang naitalang dagdag na kaso ng sakit sa naturang bansa.

Mahigit 5.1 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India, habang mahigit 941,000 pa ang active cases.

May naitala ding dagdag na mahigit 1,100 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 97,529 na.

Ang India ay pumapangalawa na sa US na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Pangatlo naman ito sa mga bansa na nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng nasawi.

 

 

 

Read more...