Operasyon ng Consular Office ng DFA sa Butuan suspendido ngayong araw

Sarado muna sa publiko ngayong araw, September 30 ang consular offices ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Butuan.

Ayon sa abiso ng DFA, ito ay para magsagawa ng disinfection sa tanggapan at para asikasuhin ang pagpapatupad ng iba pang preventive measures sa laban sa COVID-19.

Ang mga apektadong aplikante na mayroong confirmed appointments ngayong araw ay kailangang muling kumuha ng appointment sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa butuan.rco@dfa.gov.ph.

Kailangan lamang ilakip ang sumusunod na impormason:

– Name
– Date of birth
– Original appointment date and time
– Preferred date and time of new appointment

Ang bagong petsa ng appointment ay maaring itapat sa October 1 hanggang 30.

 

 

Read more...