Baganga, Davao Oriental niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa datos mula sa PHIVOLCS, ang pagyanig ay naitala sa layong 86 kilometers northeast ng Baganga, alas 2:42 ng madaling araw ngayong Miyerkules, Sept. 30.

May lalim na 31 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Wala namang naitalang intesities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

 

Read more...