Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina 2,405 na

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO facebook page (3:00 PM, Martes, September 29) pumalo na sa 2,405 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus.

Sa nasabing bilang, 405 ang active cases.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay 65 na.

Ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit ay nasa 1,935 na.

 

 

 

Read more...