Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 38,496

By Mary Rose Cabrales September 30, 2020 - 05:02 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (September 29, 3:00 PM) nakapagtala ng 512 na bagong kaso kaya pumalo na sa 38,496 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 10,350
Laguna – 12,110
Batangas – 6,823
Rizal – 7,320
Quezon – 1,893

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 17,665.

Nasa 19,926 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 158 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 5,793
Laguna – 6,335
Batangas – 3,807
Rizal – 2,800
Quezon – 1,191

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 13 kaya umabot na sa 905 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 227
Laguna – 216
Batangas – 171
Rizal – 232
Quezon – 59

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

 

 

TAGS: calabarzon, covid cases, covid pandemic, calabarzon, covid cases, covid pandemic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.