Dalawang linggong ECQ, ipapatupad sa Batanes

By Jan Escosio September 30, 2020 - 12:05 AM

Matapos maitala ang kauna-unahang kaso ng COVID 19 sa lalawigan, nagdesisyon ang pamahalaang-panglalawigan na isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) sa loob ng dalawang linggo ang Batanes.

Epektibo simula 12:01 ng umaga, Setyembre 30 hanggang 11:59 ng gabi ng Oktubre 13 ang ECQ sa Batanes.

Malilimitahan na ang galaw ng mga residente para maiwasan ang pagkalat ng sakit matapos maitala na isang 29-anyos na locally stranded individual o LSI mula sa Sta. Rosa City sa Laguna ang unang kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Nabatid na asymptomatic ang pasyente at inilagay na ito sa isang isolation facility.

Mahigpit na ring ipapatupad ang health protocols tulad ng pagsusuot ng mask at face shield, physical distancing at proper hygiene sa lahat ng mga establismento at opisina sa lalawigan.

Ipagbabawal na rin ang mga pagtitipon at lilimitahan sa isa sa bawat bahay at edad 21 hanggang 60, ang maaaring lang makalabas para sa kanilang mga pangangailangan.

TAGS: batanes, Batanes under ECQ, COVID-19 case in Batanes, COVID-19 response, first COVID-19 case in Batanes, Inquirer News, Radyo Inquirer news, batanes, Batanes under ECQ, COVID-19 case in Batanes, COVID-19 response, first COVID-19 case in Batanes, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.