Sen. Sotto, hindi naniniwalang magre-resign si Pangulong Duterte

By Jan Escosio September 29, 2020 - 10:25 PM

Sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ang mga tiwaling opisyal ang magbitiw sa puwesto at hindi si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Sotto, iniluklok sa puwesto ng taumbayan si Pangulong Duterte at hindi niya dapat talikuran ang sambayanan.

Naniniwala naman ito na wala talagang intensyon na magbitiw sa puwesto ang Punong Ehekutibo dahil sa labis na pagkadismaya sa korapsyon sa gobyerno.

Samantala, ayon naman kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson, sa halip na magbitiw, ang tanging kailangang gawin ng pangulo ay ipatupad ang mga batas kontra katiwalian hindi lang sa kanyang mga kaaway kundi maging sa kanyang mga kaibigan.

“Strong words and warnings may work but only when followed by concrete actions. There is no better way,” sabi pa nito.

TAGS: corruption issue, Inquirer News, president duterte, Radyo Inquirer news, Sen. Ping Lacson, Vicente Sotto III, corruption issue, Inquirer News, president duterte, Radyo Inquirer news, Sen. Ping Lacson, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.