Delay sa pagbili ng mga gamot ng BuCor, sisilipin ng DOJ

By Jan Escosio September 29, 2020 - 10:02 PM

Iimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) ang pagpuna ng Commission on Audit (COA) sa pagkakaantala ng pagbili ng mga gamot ng Bureau of Corrections (BuCor) para sa mga preso.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na sa mga siksikan na kulungaa mataas ang posibilidad nang pagkakasakit ng mga preso.

Diin niya, napakahalaga ng mga gamot kasunod ng pagkain kayat dapat ay agad baguhin ang proseso ng pagbili.

Sa inilabas na ulat ng COA, pitong procurement contracts na nagkakahalaga ng P65.53 milyon para sa mga gamot ang naibigay ng higit sa 90-day period noong nakaraang taon.

Pinansin din na may 14 na proyekto na nagkakahalaga ng P56.61 milyon ang mayroong winning bidders ang hindi pa nabigyan ng Notice to Proceed at ang mga ito ay paglabag sa RA 9184 o ang Government Procurement Reform Act.

Nagdahilan naman na ang BuCor na ang pagkakaantala sa pagbili ay bunsod ng pagsuspinde ng Ombudsman sa chairman ng kanilang Bids and Awards Committee.

TAGS: bucor, COA, DOJ investigation, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Menardo Guevarra, bucor, COA, DOJ investigation, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Menardo Guevarra

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.