Sarangani, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Tumama ang magnitude 4.4 na lindol sa Davao Occidental, Martes ng gabi.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 153 kilometers Southeast ng Sarangani.

Naramdaman ang pagyanig dakong 9:26 ng gabi.

May lalim ang lindol na 109 kilometers at tectonic ang origin.

Hindi naman nagdulot ng pinsala ang lindol sa Sarangani at mga karatig-bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks, ayon sa Phivolcs.

Read more...