Metro Manila puwedeng mag-MGCQ sa loob ng isang buwan – Sec. Lorenzana
Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na posibleng sa loob ng isang buwan ay maaaring ibaba na sa modified general community quarantine (MGCQ) ang Metro Manila.
Ibinahagi nito na hati ang mga lokal na pamahalaan, aniya may mga gusto na ng MGCQ, ngunit ang kalahati naman ay nais na magtuloy pa ang GCQ sa capital region ng Pilipinas.
Sinabi nito na ang mga pabor sa GCQ ay nangatuwiran na nais nilang ipagpatuloy pa ang mga ginagawa nilang hakbang para mapigilan ang pagkalat ng COVID 19.
Natatakot, ayon sa namumuno sa National Task Force Against COVID 19, ang mga lokal na opisyal na kapag nagluwag sa community quarantine sa Kalakhang Maynila ay sisirit muli ang bilang ng mga kaso at babalik sa modified enhanced community quarantine (MECQ).
Inanunsiyo ni Pangulong Duterte na magpapatuloy pa ng isang buwan ang pagpapairal ng GCQ sa Metro Manila, kasama na ang Batangas at mga lungsod ng Tacloban, Bacolod, Iligan at Iloilo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.