Kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City, higit 4,600 na
Napaulat ang 60 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:01, Martes ng hapon (September 29), 4,616 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 528 ang aktibong kaso.
29 ang itinuturing na probable cases habang 1,600 ang suspected cases kung saan 15,318 ang cleared na.
50 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 3,942 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Nanatili naman sa 146 ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.