Paanakan sa JJASGH sa Maynila, bukas na muli

Bukas na muli ang paanakan sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) sa Lungsod ng Maynila.

Base sa abiso ng ospital, binuksan ang paanakan bandang 12:00, Martes ng tanghali (September 29).

Gayunman, hindi pa makakatanggap ng mga pasyenteng premature na manganganak dahil puno pa ang Neonatal ICU (NICU) nito.

Sa ngayon, 10 premature babies na naka-admit kung kaya 100 porsyento ang occupancy rate sa NICU ng JJASGH.

Nakiusap naman ang naturang ospital sa mga pasyente na maaaring pumunta sa iba pang ospital upang hindi agad mapuno ang JJASGH.

Narito ang maaaring puntahang ospital sa bawat distrito:
District 1: Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC)
District 2: Ospital ng Tondo (OsTon)
District 4: Ospital ng Sampaloc (OsSam)
District 5: Ospital ng Maynila Medical Center (OMMC)
District 6: Sta. Ana Hospital (SAH)

Read more...