Bangkay ng nalunod na lalaki sa Rizal, natagpuan ng PCG

By Angellic Jordan September 29, 2020 - 05:41 PM

Nagtagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Sub-Station sa Cardona, kasama ang ilang mangingisda, ang bangkay ng isang lalaki sa Rizal, Lunes ng hapon (September 28).

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nalunod umano ang 29-anyos na lalaki matapos lumubog ang sinasakyang bangka sa karagatang sakop ng Barangay Boor bandang 9:00, Linggo ng gabi (September 27).

Ang biktima ay residente ng Barangay Mal-Cal, Talim Island sa Cardona.

Dinala na ang bangkay ng biktima sa mga kamag-anak nito.

Hinikayat naman ng PCG ang publiko na sumunod sa safety protocols sa pagsakay sa anumang uri ng sasakyang-pandagat.

TAGS: Inquirer News, PCG operation, PCG Sub-Station in Cardona, Radyo Inquirer news, Inquirer News, PCG operation, PCG Sub-Station in Cardona, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.