WATCH: Demolisyon sa Culiat QC nauwi sa batuhan at pukpukan
Dalawa ang sugatan at isa ang arestado sa demolisyon sa Sitio Pagasa sa Barangay Culiat sa Quezon City.
Agad sumiklab ang tensyon nang lumapit sa mga nakabarikadang residente ang mga tauhan ng anti-riot police.
Nang magkapukpukan, doon na kumuha ng kanilang pambato ang mga residente at pinagbabato ang mga pulis.
Ginamitan rin ng water cannon ang mga residente.
Ayon sa mga residente sa lugar, 100 pamilya ang apektado ng demolisyon.
Tensyon sa demolisyon sa Luzon Ave QC | Jun Corona pic.twitter.com/UQ2zcSz3yz
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) March 9, 2016
Pinagbabato ng mga apektadong residente ang mga miyembro ng QC Anti-riot police | Jun Corona pic.twitter.com/1sij5vU5YS
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) March 9, 2016
Tensyon sa Luzon Ave Culiat QC | Jun Corona pic.twitter.com/bFWmQlnSLH
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) March 9, 2016
Isang lalaki, arestado matapos mambato sa kasagsagan ng tensyon sa demolisyon sa Brgy Culiat, Luzon Ave QC. @dzIQ990 pic.twitter.com/xC9FyNJQVs
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) March 9, 2016
Aling Virginia, isa sa mga residenteng apektado ng demolisyon sa Brgy. Culiat, Luzon Ave. QC. @dzIQ990 pic.twitter.com/yS5Ryt2F5y
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) March 9, 2016
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.