BREAKING: Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 309,303
Hindi bababa sa 2,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (September 29), umabot na sa 309,303 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 50,925 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,025 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
86.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.8 porsyento ang asymptomatic; 1.4 porsyento ang severe habang 3.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 68 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 5,448 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 290 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 252,930 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.