Mga malalaking bangko, hinimok na ipagpaliban ang paniningil ng transfer fee

By Erwin Aguilon September 29, 2020 - 04:46 PM

Hinikayat ni Deputy Majority Leader Bernadette Herrera ang mga malalaking bangko sa bansa na ipagpaliban muna ang paniningil ng transfer fees hanggang sa katapusan ng taon.

Ayon kay Herrera, hindi pa tapos ang pandemya at marami pang mga tao ang nahihirapan sa epekto ng COVID-19 kaya nararapat lamang na palawigin pa ng mga bangko ang kanilang tulong para sa distressed clients.

Kung nagagawa aniya ng ibang maliliit na bangko na palipasin ang mawawalang kita mula sa fund transfer fees ay hindi hamak na mas dapat kaya itong gawin ng mga malalaking bangko sa Pilipinas.

Sa ganitong hakbang aniya ay mas mahihikayat ang mga tao na gawin ang digital transactions habang nasa bahay na mas ligtas kumpara sa lumabas ng tahanan.

Batay sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), walong bangko lamang ang pumayag na suspendihin hanggang sa December 31 ang kanilang singil sa paggamit ng parehong Instapay at PESONet habang ang 10 ibang bangko na kabilang pa sa mga malalaking bangko sa bansa ay iwe-waive lamang ang transfer fees hanggang sa katapusan ng Setyembre.

Kabilang sa mga bangko na balik sa paninigil ng online interbank transfer fees ay ang BPI, BDO, Metropolitan Bank and Trust Co., Rizal Commercial Banking Corp., China Banking Corp., China Bank Savings, Bank of Commerce, Robinsons Bank, Philippine Savings Bank, at Philippine National Bank.

TAGS: bank transfer fee, COVID-19 effect, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Bernadette Herrera, bank transfer fee, COVID-19 effect, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Bernadette Herrera

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.