Pag-apruba sa panukala na tutulong sa industriya ng kape, pinamamadali sa Kamara

By Erwin Aguilon September 29, 2020 - 03:24 PM

Pinaaaprubahan na ni House Committee on Economic Affairs Chairperson Sharon Garin sa Kamara ang panukala para matulungan ang industriya ng kape sa bansa.

Ayon kay Garin, dahil sa sunud-sunod na dagok na dinanas ng sektor mula nang sumabog ang Bulkang Taal na nakasira sa mga tanim na sinundan pa ng community quarantine dahil sa pandemya.

Pinatataasan din nito ang demand ng consumption ng kape sa bansa sa pamamagitan ng pagkontrol sa domestic market upang makatulong sa pagbangon ng mga magsasaka sa halip na dumipende lamang sa mga inaangkat na kape.

Layunin ng House Bill 3598 na inihain ng kongresista na magbigay ng suporta sa coffee sector ng bansa na apektado rin ng pagbagsak ng ekonomiya dahil sa COVID-19.

Nakasaad sa probisyon ng panukala ang pagbibigay ng technical assistance para mapalago at mapaganda ang planting system at rehabilitation ng mga pananim ng kape sa bansa para sa epektibong produksyon.

Magtatatag din ng isang national program na magpapalakas sa industriya ng kape at maglalatag din ng mga pamamaraan upang maprotektahan ang kapakanan ng mga coffee farmer.

Sa kasalukuyan ay nakasalang pa ang panukalang ito sa House Committee on Agriculture and Food.

TAGS: 18th congress, coffee sector, COVID-19 response, House Bill 3598, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Sharon Garin, 18th congress, coffee sector, COVID-19 response, House Bill 3598, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Sharon Garin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.