Ilang lalawigan sa Luzon, patuloy na uulanin

Asahang makararanas pa rin ng pag-ulan ang ilang lugar sa Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 1:24 ng hapon, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Bataan, Pampanga, Rizal, Nueva Ecija at Laguna.

Maaapektuhan din ang San Jose at Bamban sa Tarlac; Iba, Palauig, Botolan, Cabangan, San Felipe, San Narciso, San Marcelino, Catillejos, Subic at Olongapo sa Zambales.

Uulanin din ang Lipa, Padre Garcia, Rosario at San Juan sa Batangas; Silang, Amadeo, General Emilio Aguinaldo at Maragondon sa Cavite; Tagkawayan, Quezon.

Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...