Mas marami pang lugar sa Southern at Central Luzon uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang mga lalawigan sa Central at Southern Luzon.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 11:19 ng umaga ngayong Martes (Sept. 29), katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Tarlac, Bataan, Pampanga, Cavite, Laguna at Batangas.

Ganitong lagay na ng panahon ang nararanasan sa Candelaria, Zambales; at sa mga bayan ng Guinayangan at Buenavista sa Quezon.

Pinapayuhan ang mga residente na maging maingat sa posibleng pagbaha sa mabababang lugar at landslides sa bulubunduking lugar.

 

 

Read more...