Pagkakaisa ng mga mambabatas hiniling para sa ginagawang pagtalakay sa plenaryo ng Kamara sa P4.5T 2021 budget

By Erwin Aguilon September 29, 2020 - 12:55 PM

Hinikayat ni House Committee on Appropriations Chairman Eric Yap sa mga kasamahang kongresista magkaisa para sa ginagawang pagtalakay ng panukalang P4.5T 2021 national budget sa plenaryo.

Ayon kay Yap, hamon sa mga mambabatas ang debate sa sa plenaryo para pambansang pondo kaya naman humihingi muli siya ng kooperasyon, pagkakaisa, at pagpapamalas ng professionalism sa mga kongresista.

Binigyang diin pa ng kongresista na ang national budget ay pondo ng taumbayan at obligasyon ng Kamara hindi lamang na maaprubahan ito sa itinakdang panahon kundi makatugon din ito sa mga pangangailangan ng mga Pilipino.

Umaasa din si Yap na hindi made-delay ang budget process anumang isyu ang kakaharapin ng mga kongresista sa mga susunod na araw.

Aniya pa, makasaysayan at mapanghamon ang pambansang pondo ngayon dahil bukod sa COVID-19 pandemic ay nakaranas din ng ilang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mga kongresista na nakatulong naman para i-recalibrate nila ang kanilang focus sa trabaho sa Mababang Kapulungan.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, eric yap, general community quarantine, Health, House of Representatives, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, national budget, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, eric yap, general community quarantine, Health, House of Representatives, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, national budget, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.