Barangay health workers palalakasin ni Pangulong Duterte

Target ni Pangulong Rodrigo Duterte na palakasin pa ang pwersa ng barangay health workers lalot may kinakaharap na pandemya ngayon ang bansa sa COVID-19.

Ayon sa pangulo, isang malaking organisasyon ang pamahalaan na kailangan na gamitin ang lahat ng resources nito para mapabilis ang pagtugon sa problema sa COVID-19.

Kasabay nito, umapela si Pangulong Duterte sa taong bayan na huwag maniwala sa mga pag atake o paninira sa pamahalaan na walang ginagawa para matugunan ang COVID-19.

Ayon sa pangulo, magugulo lamang ang utak ng taong bayan kung paniniwalaan ang mga batikos.

May gobyerno aniya na nagtatrabaho at tumutugon sa pangangailangan ng taong bayan.

Kung hindi na aniya kaya ng mga taong gobyerno na pamahalaan ang bansa, mas makabubuting magbitiw na sa puwesto at ipatake-over na lamang sa iba ang tungkulin.

“Well, anyway, I’m really satisfied with the response of the local government. Alam mo sa totoo lang mga kababayan ko huwag kayong masyadong maniwala diyan sa mga atake-atake na ano, it will just muddle up your mind. Nandito ho kami, our purpose is to serve and to work. Iyan ang ano namin. Kung hindi kami mag… If we cannot serve, if we cannot work, then we might as well get out of government and ask somebody else to take over,” ayon sa pangulo.

 

 

Read more...