Panukala na nagsusulong sa karapatan ng mga ‘foundling’ lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara
Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukala na nagsusulong sa karapatan ng mga foundling o inabandonang nga bata.
Sa viva voce voting ay nakalusot ang House Bill 7679 o ang Foundling Welfare Act na layong isulong ang interes at karapatan ng mga inabandunang bata at kilalanin ang mga ito bilang ‘natural born’ Filipino.
Sa oras na maging ganap na batas, agad na kikilalanin na natural-born citizen ng bansa ang mga foundling na matatagpuan sa mga ampunan at iba pang charitable o government institutions kahit iyong mga batang sumasailalim pa sa proseso ng pag-aampon.
Mahaharap naman sa mabigat na parusa tulad ng pagkakabilanggo ng hanggang anim na taon o multang P200,000 hanggang P1 Milyon ang sinumang indibidwal na magdi-discriminate o magkakait sa kanilang mga karapatan tulad sa edukasyon, trabaho, mga serbisyo at iba pa.
Bukod dito ang sinumang tao na maghahain ng malisyosong reklamo sa mga foundling para makapanakit, at mang-discriminate ay pagbabayarin naman ng multa na P1 million hanggang P5 million, at mabibilanggo ng tatlong buwan hanggang dalawang taon.
Nauna nang pinuna ng may-akda ng panukala na si Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong ang kasalukuyang batas kung saan kinakailangan pang magpakita ng patunay ang isang ‘foundling’ ng blood relation nito sa isang Pilipinong magulang bago maikunsidera at kilalaning natural-born citizen ng bansa.
Bukod anya sa pahirap ay imposible din para sa isang ‘foundling’ na tugunan ang mga hinihinging requirements para patunayan ang kanilang pagiging Pilipino at napagkakaitan ang mga ito na makapag-aral, makapagtrabaho, maikasal at makatanggap ng iba pang benepisyong tinatamasa sa bansa.
Sabi ni Ong, “For one, they are required to prove the impossible – proving their citizenship despite the unknown facts na hindi nila kasalanan. Worse, for the simple reason na wala silang Certificate of Live Birth, we have closed the door for them to enjoy their rights as Filipinos – hindi makapasok sa school, hindi makakuha ng trabaho, hindi pwede ikasal, hindi magkaroon ng driver’s license, government scholarship, passport, etc”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.