Ayon sa pangulo, walang karapatan ang Facebook na maglatag ng mga polisiya sa gobyerno.
“At itong Facebook naman, I just — from what I have learned in the past days na pati ‘yung advocacy ng gobyerno tinatanggal. So what’s the purpose of you being here if government itself,”? sinabi ng pangulo.
Ayon sa pangulo, kaya niya pinayagan na mag operate ang Facebook sa Pilipinas sa pag aakalang makatutulong sa pagsusulong sa mga magagandang adbokasiya.
Kung hindi rin lang aniya magagamit ng pamahalaan ang Facebook sa kapakanan sa tapng bayan, napapanahon na aniya para kausapin ang namumuno sa social media site.
“Facebook, listen to me. We allow you to operate here hoping that you could help us also. Now, if government cannot espouse or advocate something which is for the good of the people, then what is your purpose here in my country,” dagdag pa ng pangulo?
Ayon sa pangulo, hindi niya alam kung ano ang gagawin sa Facebook kung patuloy na itataguyod ang rebelyon na isinusulong ng mga makakaliwang grupo.
Tanong ng pangulo, ano ang saysay ng Facebook sa Pilipinas kung hondi hahayaan ang gobyerno na makapagsulong ng mga adbokasiya.