Ikalawang swab testing laboratory sa Sta. Ana Hospital bubuksan ngayong araw
Bubuksan na ngayong araw ang ikalawang swab testing laboratory sa Sta. Ana Hospital.
Ang naturang laboratoryo ay proyekto ng Manila City government at ng Ayala Group of Companies.
Sa pagbubukas ng molecular laboratory, madaragdagan pa ang kapasidad ng Manila City LGU sa pagproseso ng swab tests.
Lahat ng gastusin sa swab tests sa naturang laboratoryo ay libre at sasagutin ng Manila City government ayon kay Manila Mayor Isko Moreno.
Sinabi ni Moreno na sunod na ring magiging prayoridad sa swab test ang mga vendor sa lungsod.
Kaya aniyang makapagproseso ng isang libong tests kada araw sa bagong laboratoryo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.