WATCH: Demolisyon sa Sitio Pagasa, Culiat QC, itutuloy na ngayong araw

Nagmamatigas pa rin ang mga residente ng Sitio Pagasa, Barangay Culiat, sa Luzon Avenue, Quezon City na lumikas kahit pa desidido ang demolition team na ituloy ang demolisyon ngayong araw.

Nagbarikada na ang mga residente, mapa-lalaki o babae, upang hindi makalusot ang mga miyembro ng demolition team.

Ang mga nagngangalit na residente, kaniya-kaniyang bitbit ng bakal o di kaya ay dos por dos, na mensahe sa demolition team na lalaban sila upang hindi mapaalis sa kanilang lugar.

Ang mga bata naman ay inilikas muna, upang maiwasan na masugatan o madamay gaya ng nangyari kahapon kung kailan gumamit ng tear gas ang demolition team, kaya nasa walo ang dinala sa ospital.

Giit pa ng mga apektadong residente, hanggang ngayon ay wala pang kumakausap sa kanila ukol sa relokasyon o kung saan sila dadalhin matapos ang demolisyon.

Maging ang National Housing Authority o NHA ay wala rin daw paramdam.

Sa kabila nito, nanindigan ang may ari ng pribadong lupa na tuloy ang demolisyon dahil matagal na raw dapat umalis ang mga residente sa kanyang lupain at ilang beses nang naextend ang pananatili nila.

Nakakalat naman ang mga pulis, personnel ng Bureau of Fire Protection at SWAT team na nag aantabay sakaling tumaas ang tension sa lugar.

Read more...