Alabang Country Club ipinasara ng pamahalaang-lungsod ng Muntinlupa
Nagpalabas ng cease and desist order si Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi sa Alabang Country Club (ACC) sa loob ng Ayala Alabang Village dahil sa paglabag sa community quarantine protocols ng Inter-Agency Task Force.
Nakarating sa kaalaman ni Interior Sec. Eduardo Año base sa pag-iimbestiga ng PNP na noong nakaraang August 29, nagkaroon ng golf tournament sa Alabang Country Club.
Inatasan ni Año si Fresnedi na suspindihin ang golf course operations ng ACC.
Hindi naman nabanggit sa kautusan ang mga paglabag gayundin ang grupo na nag-organisa ng torneo.
Tinanggap ng isang Carla Maramara, ang general manager ng ACC, ang kautusan ng pamahalaang-panglungsod.
Samantala, nagpalabas na rin ng abiso ang ACC sa kanilang mga miyembro hinggil sa tigil-operasyon ng golf course, gayunman bukas pa rin ang kanilang ibang pasilidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.