Provincial buses na magsisimulang bumiyahe bukas, Sept. 30 hindi padadaanin sa EDSA
Hindi dadaan sa EDSA ang mga provincial bus na papayagan nang bumiyahe simula bukas, Sept. 30.
Simula bukas mayroon nang mga bus galing South at North ang bibiyahe sa ilalim ng modified bus routes na inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sa panayam ng Radyo INQUIRER sinabi ni MMDA Special Operations Head Bong Nebrija na ang mga bus na galing Norte ay sa Mindanao Avenue dadaan patungong Katipunan, diretso ng P. Tuazon at patungo ng Cubao Araneta Center.
Kung galing naman ng South, lahat ng bus ay hanggang PITX lang.
Point-to-point din aniya ang mga bus at hindi papayagang magbaba at magsakay kung saan-saan lang.
Narito ang ruta ng mga provincial bus na papayagan nang bumiyahe simula bukas:
1. San Fernando, Pampanga – Araneta Center, Cubao, Quezon City
2. Batangas City, Batangas – Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx)
3. Lemery, Batangas – PITx
4. Lipa City, Batangas – PITx
5. Nasugbu, Batangas – PITx
6. Indang, Cavite – PITx
7. Mendez, Cavite – PITx
8. Tagaytay City, Cavite – PITx
9. Ternate, Cavite – PITx
10. Calamba City, Laguna – PITx
11. Siniloan, Laguna – PITx
12. Sta. Cruz, Laguna – PITx
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.