Kapitan ng barko na nasunog sa karagatang sakop ng Sri Lanka hindi pinayagang umalis nasabing bansa

Hindi muna papayagang umalis ng Sri Lanka ang kapitan ng oil tanker na nasunog habang naglalayag sa Indian Ocean.

Dumalo sa pagdinig ng korte ang kapitan ng barkong MT New Diamond at inatasan itong manatili muna sa Sri Lanka habang dinidinig ang kaso.

Noong Sabado, sinabi ng Porto Emporios Shipping Inc. – ang may-ari ng barko na handa silang magbayad ng $2.3 million sa pamahalaan ng Sri Lanka sa mga nagastos nito sa pag-apula ng apoy.

Magugunitang sa nangyaring sunog, isang Pinoy na crew ang nasawi habang isa pa ang sugatan.

Nakaligtas naman ang 21 pang crew na karamihan ay mga Pinoy.

 

 

 

Read more...