Pangulong Duterte muling umapela sa mga telco na pagbutihin ang kanilang serbisyo
Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga telecommunication company sa bansa na pagbutihin pa ang trabaho.
Sa kaniyang pre-recorded speech, sinabi ng pangulo na ngayong papalapit na ang pagbubukas ng klase sa October 5 napakahalaga ang pagkakaroon ng maayos na internet connection.
Ito ay dahil “electronics” aniya ang magiging sandigan ngayon ng mga mag-aaral para makapag-klase.
Sinabi ng pangulo na marami pa ring reklamo tungkol sa palpak na serbisyo ng mga telco at problema pa rin ito ng maraming Filipino.
Muli namang umapela si Pangulong Duterte sa mga lokal na pamahalaan na huwag pahirapan ang mga telco sa pagkuha ng permit upang makapagpatayo ng kanilang towers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.