Operasyon ng STL sa buong bansa magre-resume na sa Oktubre 1

Papayagan nang mag-resume ang operasyon ng Small Town Lottery sa buong bansa simula sa October 1.

Ayon ito sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sinabi ng PCSO na simula sa Oct. 1 ang STL na nasa ilalim ng lahat ng Small Town Lottery Authorized Agent Corporations (STL AAC) ay pwede nang mag-operate.

Kailangan lamang ayon sa PCSO ay makasunod sa aprubadong health and safety protocols.

Kailangan ding lumagda ng STL AACs sa Deed of Undertaking ng PCSO Legal Department para sa pagre-resume ng kanilang operasyon.

 

 

 

Read more...