May 2 hanggang 3 bagyo sa buwan ng Oktubre ayon sa PAGASA
Maaring magkaroon ng dalawa hanggang tatlong bagyo sa bansa sa buwan ng Oktubre.
Ayon kay PAGASA weather specialist Aldzar Aurello, ang mga susunod na bagyo ay maaring dumaan sa Northern Luzon, Bicol Region, Calabarzon, Metro Manila, Bataan, Visayas, Sulu Sea at Northern Palawan.
Ang mga susunod na magiging pangalan ng mga bagyong mabubuo o papasok sa bansa ay Nika, Ofel at Pepito.
Simula noong buwan nang Enero, labingtatlong bagyo na ang pumasok at nabuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.