Pangulong Duterte: I offered to resign as President

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na minsan na siyang nag-alok na magbitiw sa pwesto.

Sa kaniyang pre-recorded na public address, sinabi ng pangulo na ipinatawag na niya noon ang lahat ng miyembro ng gabinete para mag-alok ng resignation.

Hindi na umano kasi niya kaya ang matinding korapsyon sa bansa at napakahirap nitong sugpuin.

Sinabi ng pangulo na walang katapusan ang korapsyon sa bansa at kabilang sa binanggit nitong nagpapatuloy ay ang Pastillas Scam sa kabila ng may mga nakasuhan nang opisyal.

“Ipinatawag ko yung lahat ng (Cabinet) kasi nagsasawa na ko. Wala nang katapusan itong corruption, mahirap talaga pigilin. Maski yang mga pastillas hanggang ngayon,”. ayon sa pangulo.

Kasabay nito sinabi ng pangulo na handa siyang makipag-usap sa kongreso para mapadali ang pagnenegosyo sa bansa at maiwasan ang korapsyon.

Sinabi ng pangulo na dapat limitado lang sa tatlong araw ang pag-aasikaso sa mga dokumento.

Nagbabala din ang pangulo na ilalabas niya ang listahan ng mga tanggapan ng gobyerno na mayroong mga nakabinbing dokumento sa loob ng ilang taon na.

 

 

Read more...